Tuesday, July 19, 2011
Can someone please translate this in bisaya/cebuano?:D?
Kaya ko sinulat ito kasi, una sa lahat, gusto ko malaman mo na tapos na yung paghihirap mo. Ayaw ko na itong patagalin kaya sasabihin ko na. Pangalawa, sa malalaman mo ngayon, sana huwag mong isipin na pinaasa lang kita. Dahil hindi naman talaga kita pinaasa. Binigyan kita ng chance para may mapatunayan ka. Hindi ko naman sinasabi na wala eh. Pangatlo, huwag mo ding iisipin na masasayang lahat ng effort mo dahil hindi iyon mangyayari. At ang pang-apat, kaya ko ito ginawa kasi alam kong nahihirapan ka na. Pag mas pinatagal ko pa, mas mahihirapan ka lang at masasaktan ng sobra. Ayaw kong saktan ka ok?Kaya ko ito ginawa dahil din na hindi pa ako handa sa mga ganitong bagay ulit. Oo, alam ko naka-move on na ako sa past ko, pero basta hindi pa ako handa. Please sana huwag kang magalit sakin. Alam ko kahit ayaw kitang saktan dahil sa ginagawa ko, nasasaktan ka pa rin. Pero sorry talaga. Ayaw ko na itong patagalin pa. Kung pwede sana huwag mo muna ito sabihin sa iba? Kayong tatlo lang ang makakaalam muna nito. Sorry talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment